Lalaki tinaga ng kainuman dahil sa hindi sinunod ang utos

25

Malinao, Aklan – Patuloy ngayong ginagamot sa Aklan Povincial Hospital ang isang lalaki matapos na tagain ng kanyang kainuman kagabi sa Brgy. Cabayugan, Malinao, Aklan. Nakilaea rong biktima kay Timmy Ibardolaza, habang ang suspek ay nakilala kay Arvin Narciso, parehong 35-anyos at lahat residente rin ng nasabing lugar. Base sa report na kagabi habang nag iinuman ang mga ito kasama ang iba pa sa bahay ng suspek ay merong pumagitnang hindi pagkakaintindihan sa dalawa matapos na inutusan ng suspek ang biktima pero hindi ito sinunod. Nag-away ang dalawa hanggang sa huli ay kumuha ng itak ang suspek at tinaga ang biktima na tinamaan sa ulo. Agad naman na isinugod sa hospital ang biktima habang ang suspek ay nasa kustodiya nan g Malinao PNP matapos na ito ay boluntaryong sumuko.

Facebook Comments