Lalaki, Tinamaan ng Kidlat Patay

24
Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki makaraang tamaan ng kidlat kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa Baggao, Cagaya kahapon, July 14, 2022.

Kinilala ang biktima na si Ronald Palomares, 44-anyos at residente ng Barangay San Jose sa nasabing bayan.

Ayon kay Narciso Corpuz, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Baggao, nagtungo ang biktima sa Brgy. Nangalinan para bisitahin ang kanilang bukid.

Ngunit, naabutan ang biktima sa bukid ng malakas na ulan at sa kasamaang palad siya’y tinamaan ng kidlat na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Labis naman ang panghihinayang ng kanyang pamilya sa sinapit nito.

Facebook Comments