Lalaking benepisyaryo ng SAP, arestado sa buy-bust operation sa Lucena City

85

Timbog sa buy-bust operation ang isang lalaking security guard na tulak umano ng shabu sa Lucena City, pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Reniel Betito Formaran, alyas ‘Ene’, 25-anyos at residente ng Purok 3B, Barangay Dalahican, Lucena City.


Nakuha mula sa kanya ang 2.16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P44,000.

Napag-alaman na benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa kanilang barangay ang suspek.

Nakakulong na si Formaran sa Lucena City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments