Lalaking drug pusher, arestado sa San Juan

Timbog ang isang lalaking nagtutulak umano ng ilegal na droga sa lungsod ng San Juan matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kanya pasado alas-7:00, Martes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Jimmy Hernandez Acob, alyas “Black Jack,” 47-anyos, kasama sa drug watch list ng San Juan City PNP.

Sa ulat, nakatanggap ang mga pulis ng reklamo ukol sa ilegal na gawain ng suspek, at kinumpirma nila ito sa pamamagitan ng pagbili sa suspek ng umano’y shabu.


Matapos mabilhan ng ang suspek ng ilegal na droga, agad na ginawa ang operasyon sa kahabaan ng PR Sottp Street, Barangay Tibagan ng naturang lungsod dahilan para maaresto ang suspek.

Nakakulong na ang salarin sa San Juan City police custodial facility at nahaharap ito sa kasong pag labag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments