Lalaking drug pusher, timbog sa Mandaluyong

23

Arestado ang isang lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa Mandaluyong City matapos isagawa ang buy bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Raffy Dionio Hidalgo, 43-anyos, residente ng Barangay Addition Hills ng naturang lungsod.


Nakuha sa kanya 0.7 grams ng umano’y shabu at nagkakahalaga ng P4,760, isang pirasong plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na subject-for-sale at nagkakahalaga ng P544 at P100 buy bust money.

Nangyari ang ilegal na transakyon ng suspek sa barangay kung saan ito nakatira ay kinumpirma ng informant sa Mandaluyong police.

Nabilhan pa ang suspek ng ilegal na droga ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer na nagkakahalaga ng P200.

Nakakulong na ang suspek sa Mandaluyong Police Station custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments