Lalaking gang leader at lalaking wanted, naaresto sa Davao de Oro at Capiz

36

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang lalaki sa kanilang ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Davao de Oro at Capiz.

Sa ulat ng PNP-CIDG, kinilala ang mga naaresto na sina Rodel Manuel Bualan na nahuli sa Brgy. Linuan Montevista, Davao de Oro na may kasong six counts of rape at municipal level most wanted person.


Naaresto naman sa Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz si John Mark Hervias dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sa kasalukuyan, siya ay umano’y lider ng Maharot group na sangkot sa gun running at illegal drugs trading activities sa lalawigan ng Capiz.

Sa ngayon, kapwa nasa kustodiya ng PNP-CIDG ang dalawa habang isinasaayos pa ang mga dokumento sa kanilang mga kaso sa korte.

Facebook Comments