Lalaking gumagamit ng ibang pangalan sa aplikasyon ng visa sa US embassy, kalaboso

43

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki na gumagamit ng ibang pangalan sa kanyang aplikasyon ng visa sa US embassy sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang suspek na si Julius Dagdag.

Ayon kay NBI Anti-Fraud Division Chief Atty. Irvin Garcia – nag-aaplay si Dagdag ng visa pa-Amerika gamit ang pangalang Shawn Jimenez.

Pero natuklasan ng embahada na ang fingerprints nito ay nag-match sa isang Julius Dagdag.

Noong umpisa, iginiit ng suspek sa NBI na Shawn Jimenez ang kanyang pangalan pero nabisto ang pagpapanggap nito.

Kasabay nito, naharang naman ng NBI si Marilyn Ramos na isang illegal recruiter sa Malate, Maynila.

Nahaharap naman ito ng large scale illegal recruitment dahil sa pagre-recruit ng mga trabahador pa-Amerika.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng embahada ng amerika si Eduardo Alias na mayroong tatlong warrant of arrest dahil sa panloloko sa malaking bilang ng seafarers.
DZXL558

Facebook Comments