Lalaking hindi nagsuot ng face mask, nahulihan pa ng baril at iligal na droga sa Mandaluyong City

119

Kalaboso ang bagsak ng isang lalaking pasaway na hindi nagsusuot ng face mask makaraang masita at makuhaan pa ng baril at pinaghihinalaang shabu sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Genaro Ledesma, 29-anyos, nasa listahan ng unified watchlist ng Mandaluyong Philippine National Police (PNP).


Nagsasagawa ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station Sub-station ng “Oplan Galugad/Bulabog” nang maispatan ang suspek na hindi nakasuot ng face mask, nang aarestuhin na ito ay agad siyang tumakbo kaya’t hinabol ng mga pulis hanggang sa maabutan at maaresto.

Nakuha sa kanyang baywang ang caliber 38 revolver na may apat na bala at 1.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P10,200, isang improvised glass pipe na may bakas ng hinihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana.

Illegal Possession of Firearms at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments