Lalaking humaharap sa kasong rape at lascivious conduct, naaresto sa Parañaque

Nakaditine na sa Parañaque City Police Station Custodial Facility ang isang lalaking humaharap sa kasong panggagahasa at lascivious conduct sa Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si alyas Aljay, 28 years old na residente ng Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Naaresto ang suspek na Top 1 Most Wanted Person Station Level sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Moises Domingo De Castro, Presiding Judge ng Family Court, Branch 10, Parañaque City.

Ito ay dahil sa mga kasong kinahaharap ng suspek kabilang na ang dalawang bilang ng rape by sexual assault, dalawang bilang ng rape by sexual intercourse at dalawang bilang ng kasong lascivious conduct.

May inirekomenda namang ₱720,000 na piyansa para sa apat na kaso pero sa kasamaang palad ay non-bailable ang dalawang iba pang kaso.

Facebook Comments