Lalaking inireklamo ng panghihipo sa isang babae sa BF Homes Parañaque, kalaboso

37

Parañaque City, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos na ireklamo ng panghihipo ng isang babae sa BF Homes, Parañaque City.

Ayon sa biktima na si Kaye Jamili, 22-anyos, bumibili lamang siya ng barbeque ng lapitan ng suspek na si Jerome Pagaran na nakikipag-inuman ng mga oras na iyon.

Sinumbong naman ng biktima sa kinakasamang si Harly ang nangyari pero maging siya ay inaaway ng suspek.

Dahil dito, umuwi ang suspek at kumuha ng itak saka nilusob ang mga biktima sa kanilang bahay.

Mabilis naman rumesponde ang mga tanod saka inaresto ang nagwawalang si Pagaran na mariing itinanggi ang mga akusasyon.

Nanindigan pa rin ang biktima sa ginawa ng suspek at desidido itong magsampa ng patong-patong na kaso.
DZXL558

Facebook Comments