Lalaking lasing nahulihan ng baril matapos na magwala

15

Numancia, Aklan — Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions ang isang lalaki matapos nahulihan ng baril at nagwala kaninang umaga sa Brgy. Laguinbanwa, West, Numancia.
Nakilala ang suspek na si Julius Bolido, 46-anyos ng nasabing lugar.
Base sa report ng Numancia PNP, na nag responde sila sa lugar matapos makatanggap ng tawag sa mismong tatay ng suspek na humihingi ito ng police assistance dahil nagwawala ang lasing na suspek at pinagtataga ang kanyang mga tanim.
Pagdating ng mga pulis ay nakita agad ang baril sa beywang ng suspek na .38 ay may limang bala.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Numancia PNP ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments