Lalaking Liberian, arestado matapos masangkot sa online love scam

Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaking Liberian matapos magtangkang tangayin ang P1.5 million ng isang 50-anyos na guro sa nangyaring “online love scam”.

Kinilala ang suspek na si Junior Kwiagaye, alyas “Clayton Eaton Stafford”, 41-anyos matapos magsagawa ng entrapment operation ang n Philippine National Police – Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) Anti Fraud and commercial crimes unit.

Ayon sa biktima, may isang milyon pa siyang naunang naibigay sa suspek na ipinasok sa ibang account kapalit ng ipinangako sakanya ng suspek na padadalhan siya ng bagaheng may lamang  $800,000.


Dagdag pa ng biktima na nagpakilala sakanya ang suspek bilang diploma’t na miyembro ng UN Military na naka-base sa Yemen.

Aniya, naging magkasintahan pa daw sila online, pero nagduda na ang biktima at nagsumbong sa mga pulis.

Sa ngayon ay kasalukuyang nakakulong si Kwiayage at nahaharap sa kasong estafa.

Facebook Comments