Lalaking lumabag sa ECQ sa Taguig, inaresto dahil sa droga

37

Hindi na pumalag pa ang isang lalaki ng itong damputin ng mga pulis dahil pagalagala ng alas-3:00 kaning madalung araw sa kahabaan ng 3rd St. Barangay Katuparan, Taguig City habang umiiral ang curfew hour.

Nang kapakapan ng mga pulis si Rolando Taculao, alyas Lando, 45-anyos, nakuha mula sa kanya ang liman sachets ng shabu na may katumbas na halagang PHP4,800.00.


Kaya naman agad itong dinala ng mga pulis sa Taguig City Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Proclamation 922 kaugnay sa Enhanced Community Quarantine at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang Taguig City ay isa sa mga lungsod ng Metro Manila na mahigpit na ipinatutupad ang curfew hour dahil sa umiiral Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Facebook Comments