Lalaking may kasong 14 count of murder, arestado sa Eastern Samar

142

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang lalaki na nahaharap sa kasong 14 counts ng murder sa Brgy. Campacion, Arteche, Eastern Samar.


Sa ulat ng PNP-CIDG, kinilala ang naarestong suspek na si Muco Lubong na gumagamit ng mga alyas na “Venancio Lubong,” “Nathan,” “Nonoy,” “Ikit,” at “Bebot.”

Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina, ang Presiding Judge ng NCR Regional Trial Court Branch 32 Manila.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek at hinaharap na ang kasong 14 counts of murder.

Facebook Comments