Lalaking may kasong panggagahasa sa Lucena City, arestado 

19

Nahuli ng mga tauhan ng Lucena City Police Station ang isang lalaking nahaharap sa kasong panggagahasa sa kanilang ikinasang operasyon sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang naaresto na si Paul Briones 21-anyos, walang trabaho at residente ng Hermana Fausta St., Brgy. 1, Lucena City.

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rape ay nahuli ang suspek.

Ang naarestong si Briones ay kinasuhan ng panggahasa dahil sa umano’y pangmomolestya sa biktima noong January 16, 2020.

Sa ngayon, nakakulong na ito sa Custodial Facility ng Lucena City Police Station.

Facebook Comments