Lalaking may kasong qualified theft arestado sa Las Piñas City

25

Nahuli ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang isang 67-anyos na lalaking may kasong qualified theft kahapon.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), kinilala ang suspek na si Bonifacio Morales, may asawa, walang trabaho at residente ng Mayon Street, Bermuda Subdivision, Pamplona 1, Las Piñas City.


Naaresto siya ng mga pulis sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Helen Constantino-Balbuena ng Regional Trial Court Branch 90 ng Dasmariñas,Cavite dahil sa kasong qualified theft.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Custodial Facility ng Las Piñas City Police Station.

Facebook Comments