Lalaking “Most Wanted Person” sa Las Piñas, arestado!

37

Nahuli ng mga tauhan ng Las Pinas City Police Station ang isa sa Top Most Wanted person sa Las Piñas City.

Kinilala itong si John Jerick Salazar, 22-anyos, residente ng Las Piñas City.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), si Salazar ay may kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Explosive (MK26).

Nahuli siya ng mga pulis sa pamamagitan ng warrant of arrest at nakuhaan pa ng isang hand grenade.

Ang operasyon naman ng mga pulis ay bahagi ng kanilang ikinakasang Anti-Criminality Operation sa Barangay CAA, Las Piñas City.

Facebook Comments