Lalaking naaresto dahil sa Shabu sa Matalam, dating Pari?

26

Nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Matalam Municipal Police Station ang isang nagpakilalang dating pari na nahuli sa drug buybust operation ng mga otoridad.
Sa panayam ng DXMY, sinabi ni Police Major Brayan Placer, hepe ng Matalam Police Station na ang suspek na si John Baring Ferolin, 42-anyos at residente ng Brgy. Lower Katingawan, Midsayap, North Cotabato ay nakulong na noon sa Amas Provincial Jail dahil din sa iligal na droga subalit nakalaya.
Hindi naman nagbago ang dating pari ng Mission Society of the Philippines at nagpatuloy sa kanyang bisyo, nakarating ito sa bayan ng Matalam para lamang sa iligal na droga subalit lingid sa kaalaman nito na pulis na pala ang kanyang katransaksyon ayon pa kay Major Placer.
Isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at ilang drug paraphernalia at buy-bust money ay narekober ng kapulisan mula kay Ferolin na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, sa impormasyon mula sa CBCPNEWS, mariing itinatanggi o pinabubulaanan ng mga ito na naging myembro nila ang ang naarestong si Ferolin.
Ikinalulungkot rin ng mga ito at nadawit ang kanilang orgranisasyon.

Facebook Comments

From Advertisers