LALAKING NAG-AMOK SA SAN JACINTO, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG SHABU

Nahaharap sa patong patong na kaso ang isang trenta’y-dos anyos na construction worker matapos itong mahulihan ng shabu nang nag-amok sa bayan ng San Jacinto.
Ang suspek ay nakilalang si Marcelo Biason, residente ng Brgy. Lobong sa nasabing bayan.
Itinawag sa PNP ang pag-aamok ng nasabing suspek sa kanilang lugar pasado alas-kwatro ng hapon.

Naabutan pa ng mga kapulisan ang suspek na nag-aamok dahilan upang ito ay arestuhin.
Nahuli ang isang sachet ng hinihinalang shabu nang ito ay kapkapan at agad na dinala sa PNP.
Ngayon ay nakatakdang sampahan ang suspek ng kaukulang kaso. |ifmnews
Facebook Comments