Lalaking nag-viral ang video sa pandurukot, arestado sa Sta. Mesa, Maynila

Sta. Mesa, Manila – Arestado ang lalaking nag-viral sa social media matapos makunan ng CCTV ang ginawa nitong pagdukot ng cellphone ng isang babae sa Sta. Mesa, Manila.

Nakilala ang suspek na si Arjene Versoza na nakuhanan pa ng isang sachet ng shabu, drug paraphernalia, kutsilyo at 70 sim cards nang masakote ito ng mga pulis.

Unang dinukutan ng suspek ang isang alyas Jen kung saan nakuha nito ang cellphone at pera ng biktima.


Sunod na hinablot ng susek ang cellphone isang lola habang nag-aantay ng jeep sa ilalim ng LRT.

Nabawi naman ang cellphone ng lola mula sa pinagbentahan nitong si Edison Sarsia pero hinid na narekober pa ang mga gamit at pera ni alyas Jen.

Facebook Comments