Lalaking nag-viral dahil sa “pagdudumi” sa Intramuros, pinaghahanap na

341

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng Manila police ang isang lalaking hinihinalang dayuhan, na nakuhanan ng litrato na mistulang dumudumi sa isang malaking paso sa makasaysayang Intramuros, Maynila.


Mabilis na kumalat ang larawan sa social media at tinukoy pa ng ilang netizens na Chinese ang lalaki.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno – kailangang managot ang lalaki sa ginawa nitong pambabatos sa heritage site.

Nanawagan din ang alkalde na i-share ang litrato para matunton ang lalaki.

Sa pahayag naman ng Intramuros administration, agad silang nag-imbestiga pero wala silang nakitang bakas ng dumi ng tao sa tinukoy na lugar.

Kapag may mangyari muling ganitong insidente ay agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad.

Facebook Comments