Lalaking nagbantang papatayin ang kaniyang Biyenan nahulihan ng iligal na droga sa Pangasinan

36

Arestado ang isang lalaki sa Sitio Mayaman Brgy. Poblacion Sual Pangasinan matapos itong pagbantaang papatayin ang kaniyang biyenan.
Sa report ng otoridad, rumisponde umano ang mga ito ng itawag ang insidente nakita nila ang suspek na kinilalang si Eduardo Abelardo Jr. 35 taong gulang na nanggugulo sa bahay ng kaniyang biyenan na si Betina Zulueta at pinagbabantaang papatayin niya ito.
Agad na dinampot ng Sual PNP ang suspek at nang kapkapan ito tumamabad ang isang sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa kaniya.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng suspek. ###

Facebook Comments