Lalaking nagbebenta ng droga at kanyang live-in partner, arestado sa Pangasinan

Huli ang isang drug dealer at live-in partner nito matapos ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP – Drug Enforcement Group o PDEG sa Sison, Pangasinan.

Bitbit ang warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay naaresto ang suspek at kanyang kasama.

Kinilala itong si Edward Flores de Leon, na batay sa pag-iimbestiga ng pulisya ay nagbebenta ng droga sa Mabalacat Pampanga at lalawigan ng Tarlac.


Naaresto rin ang kanyang live-in partner na kinilalang si Rose Ann Quirante na sangkot rin sa transaksyon ng iligal na droga.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek sa Sison Municipal Police Station at nakatakdang dalhin sa Tarlac sa proper disposition.

Facebook Comments