Tiklo ang isang 35 anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Malasiqui, Pangasinan.
Ang suspek, residente ng Sison, Pangasinan.
Naaresto ito matapos magbenta ng hinihinalang shabu.
Nasamsam pa mula rito ang 23.66 gramo ng illegal na droga at nagkakahalaga ng nasa P160, 888.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments