Lalaking, nagkunwaring alkalde ng Masbate – arestado

74

Manila, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nagpanggap na mayor ng Masbate.

Ayon kay Atty. Joel Tovera, Chief NBI- Special Action Unit – kinilala ang suspek na si Lino Espinosa Lim Jr.

Batay sa imbestigasyon, nagpakilala si Lim bilang casino junket operator at ipinagmalaki pa na kadikit niya si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno kaya nahikayat ang mga biktima.

Natangay ng suspek ang 10 milyong piso mula sa kanyang mga nabiktima

Patong-patong na estafa ang kinakaharap na kaso ngayon ng suspek.

Depensa naman ng abogado ng suspek ay hindi alam ng kliyente ang mga kaso na dati pang nakasampa.

Facebook Comments