Lalaking nagpanggap na sundalo at nanghingi ng pera sa Facebook, arestado sa Quezon City

Quezon City – Arestado sa entrapment operation ang isang lalaking nanghihingi ng pera sa kanyang mga kaibigan sa Facebook sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Women and Children Complaint Desk Chief PO3 Vanessa Andong, nakilala niya sa Facebook si Army Captain Teofisto Ruby na miyembro ng 5th Infantry Batallion ng philippine Army at nakatalaga sa Marawi City.

Pero lumabas aniya na Moises Dizon ang tunay na pangalan ng suspek.


Todo tanggi naman ang suspek sa alegasyon laban sa kniya.

Isa pang biktima ng suspek ang lumutang at nagreklamo sa pulisya.

Sinabi ni Vhelinda May Dolo, na nakapagbigay siya ng P40,000 sa suspek noong 2015 noong nagtatrabao pa siya sa Malaysia.

Paalala naman ng mga otoridad na huwag basta basta naniniwala sa nakikilala lang sa social media.

Facebook Comments