Lalaking nagpaparelaks ; Binaril patay!

General Santos City- Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng kapulisan ng Police Station 2 ng Gensan matapos binaril-patay ang isang lalaki habang nagpaparelaks lang ito sa kanilang pamamahay, alas 6:15 kagabi.

Dead on arrival sa Mindanao Medical Center ( MMC) sa Gensan si Zaldy Macmod Timbaga, 48 taong gulang, residente ng Prk 5 Blaan Community Barangay Labangal syudad ng Heneral Santos.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.


Ayon sa Police Station 2 ng Gensan, na walang silang nakitang empty shells na naging dahilan na hindi pa malaman kung anong klaseng armas ang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Ang biktima ngayon ang dinala na sa may Malapatan Sarangani Province at agad naman itong ililibing base sa kultura ng mga muslim.

Facebook Comments