Lalaking Nagpiknik, Nalunod!

San Mariano, Isabela- Patay na nang matagpuan ang katawan ng lalaking inagos ng ilog kamakailan sa Pinacanauan River ng barangay Zone 3, San Mariano, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Narding Cubangbang, trentay siyete anyos, walang asawa at residente ng barangay La union, Naguilian, Isabela.

Batay sa inisyal imbestigasyon ng PNP San Mariano, nagtungo sa nasabing ilog ang biktima kasama ang kanyang mga kamag-anak upang mag piknik nang hindi nagtagal ay lumusong ang biktima sa malalim na parte ng ilog nang biglang tangayin ito ng malakas na agos ng ilog.


Napag-alaman na naka-inom ng nakalalasing na inumin ang biktima bago lumusong sa ilog.

Dinala naman sa Agustin Funeral Homes ang bangkay ng biktima para kaukulang pagpapalinis.

Facebook Comments