Lalaking nagviral dahil sa pagrerecycle ng mga hin di nabentang tokneneng, inaresto sa Parañaque City

24
Manila, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang isang street vendor sa Baclaran, Parañaque City dahil sa pagrerecycle nito ng kaniyang itinitindang tokneneng.
 
Una nang nagviral ang video ng hindi pinangalanang vendor na inaalis ang kulay orange na harina at inilalagay sa ibang lalagyan ang itlog.
 
Bukod rito, nakapatong lang ang mga strainer na ginamit ng vendor sa sahig.
 
Pero depensa ng suspek, tinitinda niya ang mga hindi nabentang itlog para pagkain ng baboy.
                   
Hindi naman ito tinanggap ng mga otoridad kung saan sinampahan ang vendor ng kasong paglabag sa sanitation code.

Facebook Comments