Lalaking nahaharap sa kasong rape, arestado sa Ermita, Maynila

Hindi na nakapalag pa nag isang lalaki ng arestuhin ito ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa kinakaharap na kasong rape.

Nakilala ang nadakip na si Jayson William Betonio na walang eksaktong address ng tirahan.

Si Betonio ay nasakote sa habang nakatambay ito sa labas ng Manila City Hall sa Antonio Villegas Street sa Ermita.


Bukod sa kasong rape, may kinakaharap din na kasong sexual assault si Betonio sa MPD Station-8 o Sta. Mesa Police Station.

Itinuturing din siya na no. 2 most wanted person ng nasabing himpilan ng pulisya kung saan ilang buwan din pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek dahil palipat-lipat ito ng tirahan hanggang sa masakote.

Facebook Comments