Nasakote ng pulisya ang isang lalaking rider matapos makabangga ng grade 8 student na tumatawid lamang sa kahabaan ng Barangay Tambac, Dagupan City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nirerespondehan ng awtoridad ang insidente ay nahulog mula sa kanyang helmet ang isang plastic ng hinihinalang shabu.
Kinapkapan pa ito at muling nakumpiska ang dalawa pang plastic sachet ng shabu na nasa 3.2grams at nagkakahalaga ng P21, 760, at nakuha rin ang isang pirasong tube glass na may suspected shabu residue.
Agad namang dinala sa ospital ang bata upang mabigyan ng atensyong medikal.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) and Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨