Lalaking nakapatay sa kanyang sariling ama matapos pagbubugbugin, sinampahan ng kasong parricide

25

Ilocos Sur, Philippines – Sinampahan na ng kasong parricide ang isang lalaki na nakapatay sa sarili nitong ama na 85-anyos matapos bugbugin sa Sinait, Ilocos Sur.

Matatandaan na namatay ang biktimang si Elpidio Yadao, isang bedridden matapos na gulpihin ng kanyang anak na si Nestor, 50-anyos, may asawa at isang security guard.

Sa ulat, nakainom ng alak ang suspek na si Nestor nang umuwi ito sa kanilang bahay at may dala pa siyang pagkain para sa kanyang ama na noon ay nakahiga sa kanilang terrace nang kanyang nadatnan.

Pagkatapos nito ay bigla na lamang niyang ginulpi ang ama at pinaniniwalaang hinampas pa ng bato sa ulo batay sa mga ebidensyang nakita sa pinangyarihan ng krimen.

Paghihiganti o pagrerebelde naman ang nakita nilang motibo sa pamamaslang.
DZXL558

Facebook Comments