Lalaking nakialam sa away ng maglive in partner, sinaksak sa Pangasinan

120

Nagtamo ng saksak sa iba’t –ibang parte ng katawan ang isang mangingisda matapos itong pagsasaksakin ng kinakasama ng kaniyang kapatid sa Brgy. Barangobong Tayug Pangasinan.
Sa ulat ng pulisya, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag live in partner na si Genard Gabuat at Len Len Limon.
Nang lumabas si Gabuat sa kanilang tahanan kinompronta ito ng kuya ng kaniyang kinakasama na si Marlito Limon ukol sa kaniyang ugali at dito na nagsimula ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
Maya maya pa ay sinuntok ni Limon si Gabuat sa noo at tumakbo naman ang suspek papalayo sa insidente ngunit sinundan ng biktima at doon na ito pinagsasaksak sa ibat –ibang parte ng kaniyang katawan.
Agad namang naisugod ang biktima sa Eastern Pangasinan Hospital at ang suspek naman ay naka ditene na sa PNP Tayug.
Narekober sa insidente ang isang kitchen knife na ginamit sa pananaksak. ###

Facebook Comments

From Advertisers