LALAKING NAKILAMAY, TINAGA SA ULO

Sumuko sa pulisya ang Isang 27 anyos na lalaki matapos Nitong tagain sa ulo ang construction worker na nakiramay sa Brgy. Paratong, Vigan City, Ilocos Sur.
Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima, nanggugulo umano ang 33 anyos na biktima sa lamay dahilan upang awatin ito ng suspek hanggang magkasagutan ang dalawa.
Dahil sa tensyon, kinuha ng suspek ang palakol sa kanyang bahay at nang bumalik ay dito na Niya tinaga sa noon ang biktima.

Nagtamo ng head injury ang biktima at agad itinakbo sa ospital.
Narekober ang patalim na nasa labing tatlong pulgada ang haba.
Tinuturong motibo ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa dahil sa kalasingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments