Lalaking nalunod sa isang drainage sa Malabon, hindi tauhan ng Maynilad

120

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Maynilad na hindi nila tauhan ang lalaking napaulat na nalunod sa isang drainage sa barangay Catmon, Malabon City.

Ayon sa Maynilad, nagkakabit ng ilegal na koneksiyon ng tubig sa loob ng drainage ang biktimang si Arnold Palma, 43-anyos nang maganap ang insidente.


Pahirapan ang pagsagip sa biktima dahil kinailangan pang gumamit ng jack hammer ng mga awtoridad kung saan patay na ito nang matagpuan.

Igiinit din ng nasabing water service provider na wala silang construction site sa lugar o sirang tubo na kinukumpuni nang maganap ang insidente.
* DZXL558*

Facebook Comments