Lalaking nasita dahil walang suot na face mask, nahulihan ng iligal na droga sa Parañaque City

66

Kalaboso ang isang lalaki matapos masita dahil sa walang suot na face mask at makuhanan pa ng iligal na droga sa Barangay San Antonio, Parañaque City.

Nakilala ang nadakip na si Ruben Martinez, na residente ng Pilacor Compound, Barangay San Antonio.


Nabatid na naispatan ng mga tauhan Parañaque City Police Sub-Station 7 ang suspek na naglalakad sa may bahagi ng Dr. A Santos Avenue tapat ng Loyola Memorial Chapel ng walang suot na face mask.

Nang kanilang sitahin, tatakbo pa sana si Martinez pero nakorner na siya ng mga pulis.

Nasabat sa suspek ang dalawang maliit na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040.

Aminado ang suspek na gumagamit ng shabu pero mariin niyang itinatanggi na nagtutulak siya ng iligal na droga.




Facebook Comments