Lalaking pinagbabaril sa Quezon City kanina, pumanaw na

68

Kinilala na ang lalaking pinagbabaril sa Quezon City kanina.


Sa report ng Quezon City Police Station 10, ang biktima na binawian na ng buhay ay si Niel Paglinawan ng Barangay Pinyahan.

Galing sa QCPD Police Station 10 si Paglinawan matapos bisitahin ang isang kaibigan.

Habang lulan ng van, pagsapit sa kanto ng East Avenue at EDSA sa Quezon City, dito siya dinikitan ng naka-motorsiklong suspek at pinagbabaril.

Nakaligtas ang kaniyang driver na si Mike Cruz.

Nakakuha ang mga imbestigador ng limang basyo ng bala ng caliber .45 sa pinangyarihan ng krimen

Hindi pa malinaw ang motibo ng krimen.




Facebook Comments