Lalaking sinita dahil walang driver’s license, arestado dahil sa iligal na droga

Kalaboso ang isang lalaking nagmamaneho ng motor matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa Lungsod ng Makati.

Nakilala ang suspek na si Reymond Pelayo, 39-anyos, nakatira sa Barangay Comembo ng naturang lungsod.

Nakuha mula sa kanya ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman umano ng shabu na nagkakahalaga ng P500.


Batay sa ulat ng Makati Philippine National Police (PNP), nagsasagawa ng checkpoint para sa mga nagmomotorsiklo ang mga pulis ng Substation 9 sa boundary ng Makati at  Pateros, at isa ang suspek sa mga nagmomotorsiklo na pinahinto ng mga pulis at nang tanungin kung may lisensya ba ito, walang maipakita ang suspek.

Dahil napansin din ng mga pulis na balisa ang suspek, doon na nag-usisa ang mga pulis sa dala ng suspek at doon nila na diskubre ang dala ng suspek na ilegal na droga, kaya naman dali-dali nilang ito inaresto.

Facebook Comments