Lalaking suspek sa pagnanakaw ng bike, naaresto sa Malabon

28

Arestado ang 28-anyos na lalaki matapos tangayin nito ang isang bike sa bilihan ng pizza sa Barangay Concepcion, Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Wilfredo Arias Jr., isang construction worker.


Ayon sa biktima, pinarada niya lang ang bisikleta sa tindahan ng pizza.

Nangmapadaan ang suspek bigla nalang nitong sinakyan at tumakas papuntang Barangay San Agustin.

Nagsisigaw ang biktima kung saan naagaw nito ang pansin ng mga tao.

Dito na inabanduna ng suspek ang bike pero nakorner parin sila ng mga bystander.




Sakto din na may napadaan na pulis kayat naaresto ang suspek.

Nabawi ng biktima ang kulay blue na bisikleta na nagkakahalaga ng 7,000 pesos.

Hawak na ng mga otoridad ang nga suspek at kakasuhan ito ng pagnanakaw.

Facebook Comments