Lalaking tulak ng umano’y shabu sa Mandaluyong, arestado sa buy bust operation

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Nakilala ang mga suspek na sina Rommel Remetilla Comerciante, 25-anyos, at residente ng nasabing barangay.

Nakuha mula sa mga suspek ang 1.5 grams na umano’y shabu na nagkakahalaga ng P10,200.


Ginawa ang nasabing oprasyon sa kahabaan ng Coronado Street ng nasabing barangay kahapon matapos makumpirma ang pagbebenta ng suspek ng umano’y shabu sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang mga suspek sa Mandaluyong City Police Station custodial at nahaharap sa kasong pag labag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments