Lalaking tulak umano, arestado sa ikinasang buybust operations sa Quezon City

Hindi na nakapalag pa ang isang lalaking tulak umano ng illegal na droga matapos ang ikinasang buybust operations sa Marathon St., Barangay Obrero, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Vince’, 29-anyos na residente ng Malate, Maynila.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, cellphone, coin purse, at buybust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Napag-alaman din na dati nang nakulong ang suspek sa kasong Robbery noong 2019.

Facebook Comments