Lalaking tumalon sa NAIA 3 kagabi, hindi pasahero

165

Manila, Philippines – Nilinaw ng Manila International Airport Authority na hindi pasahero ang lalaking tumalon sa Departure Area ng NAIA 3 kagabi.

Ang bente siete anyos na si alyas ‘Joemar’ ay unang nakitang naglalakad sa loob ng paliparan at wala itong kasama.


Tinangka pa sana itong pigilan ng lady guard ng airport sa pamamagitan ng paghila sa hood ng jacket ito subalit nahulog ito ng tuluyan.

Ang bente siete anyos na lalaki ay agad na isinugod sa Pasay General Hospital matapos lapatan ng lunas ng MIAA Medical Team.
DZXL558

Facebook Comments