Lalaking tumatakbo palayo sa isang aso, patay matapos mabangga ng kotse

Quezon City – Patay ang isang lalaki nang mabundol ng humaharurot na sasakyan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Joshua Cabag na magtatapos sana sa darating na Hunyo sa kursong secondary education.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay Holy Spirit, makikita ang naglalakad na biktima kasama ang tatlong kaibigan sa Santo Niño Street.


Hindi nagtagal, isang aso ang lumabas mula sa isang bahay at hinabol ang mga ito.

Kumaripas ng takbo ang apat hanggang sa makarating sa kanto at doon na nahagip ng humahaharurot na sasakyan si Cabag.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon pa ang biktima pero hindi tumigil ang driver ng sasakyan.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay sa mismong araw pa ng kaniyang kaarawan.

Nananawagan naman ng hustisya ang pamilya ni Cabag at nakikiusap din sa driver na nakabangga na makipagtulungan sa kanila.

Facebook Comments