Lalaking wanted timbog sa Valenzuela City

42

Valenzuela City – Nahuli na ng mga pulis sa Cecillo Santos Valenzula ang isang lalaking wanted dahil sa pagpatay.

Kinilala ang akusado na si Anthony Lapid, 42-anyos.

Ayon kay PCI Milan Naz ng CIDG NCR, binantayan ng mga otoridad   ang Valenzuela City at pagbalik ng suspek habang nagtatago ay dito na siya naaresto.

Bitbit ang warrant of arrest dahil sa pagpatay inaresto ang suspek.

Nakatakdang dalhin si Lapid sa husgado na nagpalabas ng warrant of arrest para ipabatid ang kanyang pagkakaaresto.

Facebook Comments