Lalamanin ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte – pinaplantsa na

Manila, Philippines – Sinimulan na ang mga paghahanda at pagpaplano sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sa July 24.

Nakikipag-ugnayan na ang opisina ni Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar sa Presidential Management staff kaugnay sa nalalapit na SONA ng Pangulo.

Kabilang sa mga pinaghahandaan ay ang lalamanin ng speech o ulat sa bayan ng Presidente.


Pero, ayon kay Andanar – tiyak na may katulad ang ikalawang SONA sa unang SONA ng Punong Ehekutibo, bukod pa sa ilalahad nito ang mga natupad o accomplishments sa mga ipinangako ng Duterte administration.

Asahan din aniya na babanggitin ni Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga at kurapsyon sa pamahalaan, maging ang agenda ni Duterte sa mga susunod na taon.

Facebook Comments