Lalawigan ng Aurora, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

119

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng San Luis sa lalawigan ng Aurora kaninang alas-10:10 ng umaga.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Renato Solidum, ang lindol ay may lalim na seven kilometers sa 16 kilometers Timogkanluran ng nasabing bayan.


Nabatid na naramdaman ang nasabing lindol sa Gitnang Luzon at sa Metro Manila.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang NDRRMC kung may naitalang pinsala sa nasabing lindol.

Facebook Comments