Lalawigan ng Catanduanes, isasailalim sa Alert Level 4

Isinailalim na sa Alert Level 4 ang lalawigan ng Catanduanes sa Bicol Region.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Roasrio Vergeire, sa Alert Level 4, pinapayagan lamang ang interzonal at intrazonal travel sa mga edad 18 hanggang 65.

Habang hanggang sampung porsiyento lamang ang pinapayagang kapasidad sa mga establisyimento sa indoor venue para sa mga bakunado habang 30 percent sa outdoor venue.


Nasa 12 lugar naman aniya ang isinailalim sa Alert Level 3, kung saan pinapayagan ang hanggang 30% indoor venue capacity para sa mga bakunado at 50% sa outdoor venue.

Kabilang sa mga nasa Alert Level 3 ay ang Apayao, Baguio City, Ifugao, Mountain Province, Batanes, Nueva Vizcaya, Quirino, Siquijor, Isabela City, Zamboanga City, Dinagat Islands at Sulu.

Facebook Comments