LALAWIGAN NG PANGASINAN, NANANATILING PEACEFUL SA KABILA NG MGA INSIDENTE NG PAMAMARIL KAMAKAILAN

Nananatiling tahimik ang lalawigan ng Pangasinan sa Kabila ng mga insidente ng pamamaril na naitala nitong nakalipas na mga araw.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, personal na away ang nagiging dahilan ng mga pamamaril sa Pangasinan at walang kinalaman sa pulitika.
Peaceful pa din aniya ang lalawigan base na din sa monitoring ng Intelligence Division ng PNP sa Pangasinan.

Wala umano dapat ipangamba ang mga Pangasinense dahil wala naman silang namomonitor na mga Organized Crime Group na nag ooperate sa lalawigan.
Matatandaan na nitong mga nakalipas na araw ay napaulat ang ilang mga insidente ng pamamaril sa Pangasinan na kumuha ng atensyon ng mga Pangasinense. |ifmnews
Facebook Comments