LALAWIGAN NG PANGASINAN WALA PANG LUGAR NA ISASAILALIM SA ELECTION WATCHLIST AREA AYON SA COMELEC

15

LINGAYEN, PANGASINAN – Wala pang lugar sa lalawigan ng pangasinan ang nasa election watchlist areas o areas of concern sa magaganap na national at local election sa buwan ng mayo ngayong halalan 2022.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, sinabi nito na sa huling pagpupulong ng COMELEC kasama ang mga concern agencies ay wala pa aniya silang nabanggit na mga lugar na nasa election areas of concern.

Samantala, nanawagan naman ito ng pang unawa sa mga nagtatanong tungkol sa final list ng mga kandidato dahil nanggagaling aniya ito sa kanilang COMELEC Law Department.

Sa ngayon ay handang-handa na aniya ang hanay ng COMELEC Pangasinan sa magaganap ng eleksyon sa Mayo at tanging araw na lamang ng halalan ang hinihintay. | ifmnews

Facebook Comments