Lalawigan ng Quirino, Nakapagtala ng Tatlong Namatay na Positibo sa COVID-19 Ngayong Araw

12

Cauayan City, Isabela- Tatlong (3) positibo sa COVID-19 ang binawian ng buhay na naitala ngayong araw, April 9, 2021 sa Lalawigan ng Quirino.

Sa pinakahuling datos ng Quirino Provincial Health Office ngayong araw, 23 ang naitalang bagong kaso sa lalawigan, 44 naman ang mga bagong gumaling mula sa virus at tatlo ang bagong nasawi.


Sa kasalukuyan, umabot na sa 1,012 ang bilang ng kumpirmadong kaso sa probinsya na kung saan 301 rito ang active cases.

Tumaas naman sa 685 ang bilang ng mga nakarekober habang umakyat sa 26 ang naitalang COVID related deaths.

Facebook Comments